2017, Hintay Bes, Di Pa Ako Ready.

Obligado ba talaga akong magsulat ng year-ender na article? Nape-pressure kasi ako na makitang nakapagmuni-muni na ang mga kaibigan kong bloggers. Tapos mayroon pa akong mga nababasang sobrang feels na “2017, I’m ready”-kind of articles.

Tinatamad ako actually na mag-reflect and mag-evaluate ng buhay ko ngayong 2016. Buong taon ako ngayong naglangoy sa depression, maisip ko lang na kailangan kong mag-isip ay napapagod na ako. Umay na umay na akong mag-isip kaya. Hahaha!

Pero tina-try kong mag-rewire ng thought process ko ngayon, kaya naka-tatlong paragraphs na ako. Yehey!

Una, nagpapasalamat ako sa depression ko. Kung isa lamang siyang tao ay nilapitan ko siya at sinampal with the teleserye-kind of sampal. Yung may hugot na sampal. Yung may pagpupuyos ng damdamin. Ganung tipo ng sampal. Pagkatapos ay magyayakapan kami at mag-iiyakan kaming dalawa, kasi alam namin sa isa’t isa na ang dami dami dami dami dami naming pinagsamahan.

Pangalawa, nagpapasalamat din ako sa pagiging heartbroken ko. Legit. Or baka hindi rin. Hahaha pambihira! Pangatlo na ito sa di ko malilimutang pagkabasag ng puso ko. Pero hoy, bago niyo ako i-judge, iba-iba naman ang experiences ko sa tatlong heartbreaks na yun! Wag niyo akong “di ka na natuto, bes!” Hahaha! Pero ibang usapan yung heartbreak this year, big deal siya. As a matter of fact, gagawan ko pa siya ng separate section dito sa blog ko. Subaybayan niyo na lang kung curious kayo. Awp.

Pangatlo, masaya truly ang puso ko sa pamilya ko at mga ilang tao na nanatili sa buhay ko ngayong taong ito. Mas lumalim ang pagmamahal ko sa kanila. Pero nahihirapan pa rin ako sa long-distance relationship, huhu. Kaya sorry talaga sa mga di ko nababati sa birthdays nila. At kung nag-expect man kayo ng pinag-isipang mabuti na birthday message pero isang simpleng pagbati lang ang naibigay ko, sorry talaga. Medyo windang talaga ako this year; sana maintindihan niyo ako, dahil sana medyo na-realize niyo na naging patient din naman ako sa inyo, huhu haha. Alam kong kahit isang sulat o card ay may naibigay ako sa inyo, so hanapin niyo at balikan niyo na lang muna para ma-affirm kayo na mahal ko talaga kayo. Lab ko kayo!

Pang-apat, nagpapasalamat ako sa sa anumang nangyari sa outer space dahil natuto na akong mag-lipstick at magpa-tsamba-tsamba sa make-up ngayong taong ito. Hindi ko talaga akalain na posible pa pala itong mangyari. Akala ko ay palagi na lang ako magpapa-make-up sa salon. So whatever happened out there, aliens or whatsoever, thank you sa anumang pwersa ang naglapit sa amin ng mga cosmetic products. #redlips

Panlima at panghuli, salamat always and forever kay Lord! Bumalintong-balintong na ang buhay ko pero faithful pa rin Siya sa mga pangako Niya. Pramis madlang pipol, ang hirap mabuhay nang may purpose ng walang tunay na relasyon sa Diyos. Kaya sana next year, mas hanapin natin at naisin nating sundin ang kalooban ng Diyos sa buhay natin. Olrayt!

Okey. Yan muna sa ngayon. Walang drama at walang pa-deep munang mga sulatin. Tsaka na sa mga susunod na araw ng taong 2017.

O siya. Magmuni-muni na rin kayo diyan habang maulan-ulan ang Bagong Taon. Salamat sa pagbabasa!

Shosho!

Jem

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s