This Way To My Heart Po

“By the way, paano kung dumating yung magdedeliver pero ala ka? May caretaker naman?” Iyan ang tanong sa akin ng kaibigan kong magpapadala raw sa akin ng mahiwagang package.

Babanat sana ako sa kanya, kaso baka mapunta na naman kung saan ang mga hugot na wala man lang pasintabi sa puso ko. #OopsIDidItAgain

Anyway, nakitaan ko kasi ng koneksyon yung tanong niya sa puso ko. “By the way, paano kung dumating ang lifetime partner ko pero wala ako? May caretaker naman?” Oo, kinilig ako dun sa “caretaker” na part, kasi naisip ko agad si Lord. Dito sa apartment namin ay may security guard na bahala sa mga package na ipinapadala sa tenants, kaya naihalintulad ko sa puso ko na dapat ay talaga namang gina-gwardyahan.

GUARD.

Taliwas yung conception na dapat may walls; instead, dapat maging mapagmatyag. Marunong kayo dapat lumugar sa dapat nyong kalagyan, ladies and gentlemen, boys and girls. Hindi dapat patumpik-tumpik sa pag-ibig dahil ang pag-ibig ay hindi dapat ginigising kung mahimbing pa ang tulog. Gigising at babangon ‘yan na may dalang kakaibang kapangyarihan at ganda at (pamatay na) kilig kung sa tamang oras ‘yan gigising.

Di ba kapag ginising ka nang wala sa oras ay napaka-iritable mo? Ikaw na taong walang alam sa nangyayari kapag tulog ay ayaw nang binubulabog, ang pag-ibig pa kayang dalisay at magpakailanman?

Oo, forever. Totoo yan. Akala mo lang wala, pero meron! Meron! Ayaw mo lang maniwala kasi nabigo ka, nasaktan, at tumaba! Either nagmadali ka, nagpadalos-dalos, nagpadala sa damdaming pabago-bago, nagpumilit na magka-syota, nainip maghintay, nakisabay sa uso, o wala lang ibang magawa sa buhay, kaya ka umasa sa forever—sa ideya o imahe ng forever—na ang pundasyon ay tulad lang ng ugat ng damo sa lupa: napakadaling bunutin.

So matutong maghintay sa timing ni Lord. Bakit? Kasi LOVE HONORS TIME. Paano malalaman kung ‘yun na nga ang timing ni Lord? Aba bes, malamang dapat close kayo ni Lord! Malalaman mo ba kung sino ang crush ko kung di tayo close? Aba bes, basa-basa rin ng Bible, spend quality time with God, choose to be with people who pursue God — para masabayan mo ang timing ni Lord. Exciting kaya maghintay kung ang dami pa ring magagandang karanasan ang nangyayari sa buhay mo, wonderful people na kukulay sa mundo mo like never before, in comparison sa mala-Juan Tamad na paghihintay na babagsak lang mula sa alapaap ang “The One” mo. Malamang at sa malamang ay ipot ang papatak sa’yo, bes!

Last words: Siguraduhing alam ni Lord ang address ng puso mo at patutuluyin mo Siya kapag bumisita Siya. Sure akong mapapa-“love like never before” ka!

Much joy in waiting,

PJ

wait-with-joy_preciousjemwrites

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s