Growing Up With Boys, Growing With Men

Lumaki akong mas madalas na mga lalaki ang kasama ko. Kaya medyo napapatanong ako kung bakit sa population statistics ay mas marami palagi ang mga babae kaysa sa mga lalaki.

Mas nakasanayan ko ang atmosphere ng samahan ng mga lalaki compared sa mga babae. Oo, may drama-rama pa rin ako na hallmark ng karamihan ng species namin. Isang babae pa rin ako na nilikha ng Diyos, may attributes na unique sa lahi ni Eba.

Pero mas satisfying sa akin ang company ng mga lalaki. Medyo enduring ang makisalamuha sa grupo ng mga babae, kaya never akong naging part ng isang girl group na barkadahan. (Idagdag pa ang pagiging introvert ko!) Kaya sobrang special ang mga specific na babaeng masaya akong kasama sa buhay. Lab lab!

Panganay ako at nasanay akong mag-alaga sa mga nakakabata kong kapatid na lalaki. Pangalawang “tipikal” na nanay — mahilig mag-sermon, palaging sinisita ang mga ginagawa, etc, alam nyo na ang mga ‘yan. Kapag manonood ng movies, aba bes, dun tayo sa action-packed! Tuwing maglalaro ang mga kapatid ko sa Playstation noon, gustung-gusto kong nanonood at nakikimali (malalim na Tagalog po, meaning “nakikialam”) sa kanila. Paborito kong magtanong ng mga terminologies na tila mga lalaki lang ang nakakaintindi at nakaka-appreciate. Kaya para sa isang babaeng mukhang mahinhin, nakakagulantang na marinig na para lang akong tambay sa kanto kung magsalita minsan.

Kahit saan ako magpunta, uneasy ako sa company ng maraming babae. Hahanap at hahanap ako ng lalaking mao-okray ko para may maging friend ako. Hahahahahahahahahahahaha! Sorry, girls. “Walang personalan, gwapo lang,” ika nga ni Dr. Eamer.

Oo, tinatawag akong gwapo, dude, bai, bro. Sinasabihan akong ang gwapo ko nung magpa-pixie cut ako. At inaamin kong gwapong-gwapo ako sa sarili ko noong consistently na maikli ang buhok ko. Ba’t ba.

Fast forward, yung mga batang lalaking inaakay ko lang noon, ngayon ay mas malaki na sa akin. Hindi na sila yung dating mga batang nauuto ko at napapaiyak ko kapag sinusumbong ko sa mga magulang ko. Hindi na sila yung mga teenager na madalas kong kabangayan at hindi nakakasundo dahil pare-pareho kaming may sariling alam at may kanya-kanyang gustong gawin sa buhay. Hindi na sila blindly sumusunod sa kung anu-ano dahil hindi na sila inexperienced na mga bata.

They grew into men na. They grew from younger brothers who I could tuck in my small arms back then, into men I could journey with in embracing life. They grew from boys I hold hands when in the middle of a sea of people, into men I can hold hands with while life battles are raging here and there. They grew from small kids walking in small steps, into men who are having big dreams in their lives and making it happen. They grew from searching, confused teenagers into men who knows where they want to be in this society. Boys turning into men.

boys-men-02_preciousjemwrites

I have three things to point out here.

First: para sa ladies.

Take it from me, boys will be boys, and men will be men. You should learn and understand na boys have a period na ita-try nila lahat ng pwede nilang i-try. That’s their nature, they have to be out in the wild. Kaya hayaan niyo silang mag-grow. Learn to appreciate their growing season. Wag kayong maki-epal; just be there to support them as they grow into men with valor. Wag nyong ibunton ang sisi sa kanila kapag nabasag ang puso niyo; believe me, marami pa sa buhay ang mas hihigit na basag sa puso niyo, wag niyong patungan ng mabigat na unnecessary burden ang mga kalalakihan.

Moreover, kung boys pa sila at girls pa kayo, learn to honor your own growing season too. I remember something I learned from Joshua Harris (read his book, “I Kissed Dating Goodbye”) is learning to honor the future wife of the boys/men you meet in life. Though “falling in love” seems a usual experience sa mga kabataan, requited or unrequited man yan, pero having the thought na one day ay ikakasal ang mga lalaki na nakikilala niyo, why not be one of the people these men’s wives could thank for for not being a stumbling block to their husbands. Masarap sa feeling na alam mo bilang isang babae na naging significant ang contribution mo sa growth ng isang lalaki into being a great man.

Second point para sa ladies din.

Men are wonderful creatures to be with. You could learn a lot from them. Well, coming from a background na nasubaybayan ko ang childhood to teenage to young adulthood ng dalawang lalaki, plus the close relationship with my father, plus several guy friends, plus close observations sa male species — sobra silang interesting. Ang hirap i-enumerate dito pero I’ll leave it to you to discover. Establish good friendship with them.

boys-men-01_preciousjemwritesboys-men-03_preciousjemwrites

Third point, para sa mga lalaki.

Learn to appreciate the women in your lives. Delicate and fragile kami, kaya handle with care. Wag niyong i-assume na mas malakas kayo sa amin dahil lang mas malaki ang katawan niyo or mas nakakatakot ang boses niyo kapag galit. Ewan ko kung lahat kayo ay kayang tiisin ang baho ng post-jebs na amoy ng banyo; kaming mga babae, may tolerance kami dyan. Ibang kalidad ng lakas ang pinag-uusapan kapag babae na. At iba rin ang sa inyo.

Learn to value the things the women in your lives can do for you. Wag kayong manakit ng mga babae. Wag kayong maghari-harian sa kanila. Hallmarks yan ng mga lalaking insecure. Wag niyong gawing emotional punching bag ang mga babae; deal your personal issues (anger, insecurity, loneliness, pagiging needy, etc) with yourselves and with mentors who could help you overcome those.

Matuto kayong maging sensitive sa pangangailangan ng mga babae sa buhay niyo, lalo na ng nasa pamilya niyo. Women need to be affirmed too and constantly feel secure with the men in their lives. Kapag may kapatid kayong babae and/or friends na babae, be the type of men na titingalain nila at ipapag-pray nilang ang tipo niyo ang mapangasawa nila. Be the type of men na ipagmamalaki ng mapapangasawa niyo sa pamilya nila dahil di lang kayo basta lalaki — kundi lalaking may integridad, may pangalang may positibong marka sa komunidad na ginagalawan niyo, may pangitain na magkaroon ng pamilyang magiging pagpapala sa iba.

Ganyan. Wag puro porma. Wag puro chix! Wag puro kababawan. Go deep. BE INTENTIONAL with your growth as men! As people na kapaki-pakinabang sa mundong kinabibilangan niyo. Honor your parents. Honor your leaders. Honor God in your lives.

Last words: LALIMAN ANG UGAT.

Finding joy in relationships,

PJ

PS: For everyone’s consumption, read (and chew) this kickass article na talaga namang naninipa sa ganda! – Date A Man Long Enough


(Attached photos: Shout out to the wonderful men in these photos. May you be men after God’s own heart. Your Ate Jem/Jemae is always cheering you to be men na may ibang kalidad ng kagwapuhan! Your lives are changing me as well. Grow deeper in the Lord!)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s