Narinig Ko Na Naman Ang Tawa Mo…

Sabi nila madalas daw kung saan-saan
Lumilipad ang aking atensyon at isipan
Pero tuwing kasama kita, parang hindi naman
Gising na gising ang aking diwa sa kasalukuyan—

Kabisado ko na ang oras ng pagtulog mo sa gabi
Ang klase mo mula Lunes hanggang Biyernes
Dama ko ang haba ng mga minuto at mga araw na wala kang imik
Ang pagsulpot at paglisan mong sing-bilis ng kisap ng mata

Bingi raw ako sabi nila — “Ano?” ang tanong ko parati
Nagkakatuwaan na lamang tuwing ipauulit ko ang sinabi
Pero kapag nandiyan ka, tumatalas ang pandinig ko
Sa boses mo, at lalo na sa pagtawa mo
Na tila haranang umaawit sa buong linggo ko


© PRECIOUSJEMWRITES

Advertisements

4 Replies to “Narinig Ko Na Naman Ang Tawa Mo…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s