Dear Crush

Yes, dear, oh dear (with paglulupasay) crush,

Once lang. Isang pagkakataon lang yun. Hindi mo inalis ang tingin mo sa mga mata ko habang lumalakad ka papalapit sa akin. Hindi ko pinigilan ang sarili ko na manatili sa pagkakatingin sa’yo. Sabi ko sa sarili ko, “Maiilang kaya siya?” Pero hindi. Nangungusap ang mga mata mo, na sinabayan naman ng mga labi mong nakangiti.

Napasambit na lang ako sa sarili ko, “Patay. Eto na naman tayo, Jem.”

Alam kong hindi mo alam na ikaw ang crush ko. Pero kung sakali mang mabasa mo ang bukas na liham na ito na naka-address sa’yo in invisible ink (kaya hindi siya maipapadala ng kartero sa bahay mo), sana mapangiti ka. Tanggap ko na hindi ka interesado sa akin — masakit man isipin (hahahaha luh!), kaya hindi ko na iniisip pa ang bagay na yun. Itinapon ko na ang lahat ng pagpapantasya at pag-asang magkaka-interes ka sa isang hopeless romantic na tulad ko HAHAHA!

Naisipan kong isulat ang naghuhuramentado kong pilings este feelings diay, kasi pambihira, ang dami mong litratong bumulaga sa news feed ko ngayon. Kaya ayokong napapatambay dun e! Alam kong ang immature nitong sulat na ito. Pang-elementary confession, mwahahahaha! Ba’t ba. Pasalamat ka crush kita. Aaaaaaaaawp.

Anyway, gusto ko lang naman sabihing hanggang tenga ang ngiti ko tuwing nakikita kong nakangiti ka sa mga litrato…

Pero alam mo bang sa personal, napapa-!@#$%^&* ako? Kasi !@#$%^&*, ang gwapo mooooouuuugh! Sana ako lang nakakakita na gwapo ka, para ako lang may gusto sa’yo, bwahahahahahahahaaaaaaa~

!@#$%^&* ang vulnerable ko na ngayon hahahahaha~

Crush kita. Gusto kita. Official na talaga. As in ugh-ang-imposible-mo kind of crush. Sad reality, nu? Ganun naman talaga. Pero oks lang. Hindi ko alam kung darating ang araw na mapapasama ka sa mahiwagang baul ni Pandora, este baul ng mga ex-crush ko, pero hehe hindi ko kasi in-expect na magtatagpo ang landas nating dalawa. Hindi ko na tuloy mai-deny sa sarili ko na sucker ako sa mga sorpresa hahaha.

Isa kang napakagandang sorpresa sa buhay ko ngayong taong ito.

Basta ngiti ka lang dyan palagi. Sumasaya ang puso ko,  like wait-tumigil-saglit-ang-oras kind of happiness. *rolls away*

tumblr_lrr2jc1k8n1qkmpj8o1_500
!@#$%^&* gwapo mo ugh !2#$%^&*

 

Crushing you from afaaaaaaaarrrrrrr,
Ms. Jem :p

PS. Di kita ini-stalk. Ay…slight lang pala hahahaha.

Recent addition (hihi cutie):



Featured image credit here

 

Advertisements

19 Replies to “Dear Crush”

    1. Ngayon ko lang napansin yung “nakakacurious ang mga susunod na mangyayari.” Naaaaaaaaaaaaaaaay, wag ganyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan. Hahahaha! Wag ganyan, kinikilig ako wahaha. At the same time, “I’m scared.” Huehue!

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s