Galit at Tuldok

Noong isang araw, naisipan kong magkwento sa nakababata kong kapatid na lalaki tungkol sa dalawang lalaking may role na ginampanan sa buhay ko sa nakaraang taon. Pero hindi ko muna iku-kwento yung tungkol dun sa isa. Si M lang ikukuwento ko ngayon.

Basically si M ay ang lalaking nag-ninja moves sa akin. Nag-confess, tapos nang-iwan lang sa ere. Nagsabing maghihintay, pero iba ang syinota. Okey, gets mo na yan.

Nakapagsulat na ako ng sangkatutak na tula, nagkwento at nag-rant na nang paulit-ulit sa mga kaibigan ko at sa blog na ito, pero sa pagkakataong nagkwento ako sa kapatid ko, nun lang ako nagkwento na galit. Pareho kaming galit. Minumura namin ang ginawa ni M. For the first time, nagalit ako sa nangyari sa akin. Naglaho ang pagkaawa ko sa sarili ko. Nagalit ako sa mga luhang iniiyak ko.

Palagi kong binabalikan ang ideya (at ilusyon lang pala) na minahal ako ni M. “Sobrang sayang ang pagkakaibigan…” ang palagi kong nasasambit. Pero, ay pot*k, wala palang nasayang. Dahil according sa kapatid ko, wala namang ite-treasure si M na friendship kasi kaya lang niya pinanatiling magkaibigan kami ay dahil may gusto siya sa akin. Natorpe lang big time. Kumbaga lahat ng oras at effort na ibinigay ay hindi dahil kaibigan ang turing sa akin, kundi dahil may gusto siya sa akin kaso hindi lang talaga nakadiskarte. Okey, gets mo na rin yan.

So eto, parang bumaligtad ang ikot ng mundo ng nakaraan ko, hahaha. Alam mo yung pakiramdam na kasinungalingan lang pala ang pinapaniwalaan mo all those times. “I’ve been living in a lie,” ganern. Isang dambuhalang ka-echosan.Β Hindi niya pala ako bestfriend.Β Pareho lang namin pinapaniwala ang sarili namin na exception ang kung anuman ang meron sa pagitan namin.

So dito na nagtatapos ang lahat. Eto na, sa wakas, ang tuldok.


Featured image credit here

Advertisements

17 Replies to “Galit at Tuldok”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s