Kung bakit hindi ko na kailangan ng paliwanag mula sa’yo

Dahil narinig ko lang
Kung paano mo sinambit ang pangalan niya
Alam ko nang malalim na
Ang namamagitan sa inyong dalawa

Pero pambihira,
Mahal na mahal kita
Kahit nagagalit ako sa’yo
Masaya pa rin ako
Na minahal kita
Na nahawakan ko ang mga kamay mo
Na naipadama ko sa’yo ang pangungulila ko
Sa yakap at halik
Sa mga tula at sulat
Sa mga titig at pagluha

Mahal kita at ang tanging nais ko
Ay ang makitang masaya ka
Matagumpay sa buhay
Malusog ang pangangatawan
Nagsusumikap para sa mga pangarap mo

Nais kong makitang
Nakangiti at tumatawa ka
Nilalasap ang ganda ng buhay
Hind minumulto ng nakaraan nating dalawa

Pasensya na kung may hinanakit ako sa’yo
Lilipas din ito, maghihilom din ito
Pasensya na kung pabigat ako sa mga alaala mo
Kahit naman ako ay gusto na ring
Makawala sa hawla ng pagkabigong ito


Featured image credit here (Rosie of “Love, Rosie”)

Advertisements

2 Replies to “Kung bakit hindi ko na kailangan ng paliwanag mula sa’yo”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s