Ramblings of a Tsundoku (Tagalog)

“Hay nako! Magkatrabaho lang talaga ako, bibilhin ko lahat ng librong gusto kong bilhin ngayon pero hindi ko mabili kasi estudyante ako!”

Yan talaga ang nasambit ko kanina after kong mabasa ang sobrang gandang article ni Kirsten Corley, Ang Da Wan Ko, at pagkatapos ay nalaman kong may libro pala siya.

At bilang Medicine ang napili kong pagpuyatan na career, besh, grabecious ang effort makabili lang ng pinapangarap kong mga libro…at personal library! Biruin mo, ang yabang-yabang ko magkwento na kaya kong tapusin ang isang libro sa Hunger Games series in two days. Pero besh, hello, college pa ako nun! Wala nang gaanong requirements na ginagawa, tapos na ang thesis, and yes besh, daming time talaga. Pero ngayon? My goodness beshy, 7AM pa lang e may doctor na nagle-lecture sa harapan ko tungkol sa phases of labor ng isang buntis na pasyente. Tapos next week daw, may quiz na kami, chapters 22-24 daw. Wait, tingnan ko ilang pages in total… Okay, 67 pages. Mga 8.3 hours ang gugugulin ko para sa first read nyan.

But wait, there’s still more! After an hour, 8AM na. Favorite subject ko na, Pedia. After nun, yung pinaka-nakakabobong subject para sa akin, ang waterloo ko na subject, Neurology! *fireworks naman dyan* Tapos clinical exposure naman for two hours. One hour lunch after that. Then another round of lectures again. Kapag Monday, until 7PM pa yan. Mararanasan mo talaga ang literal na kahulugan ng nakakasabaw ng utak! Feel mo talaga parang gulaman na lumulutang sa loob ng skull mo yung brain mo. Hindi ka na sure if may neurons pa bang natira sa’yo. Anyway, repeat that cycle for 9-10 months. Oh by the way, may Saturday class pa nga pala ako. So six days a week na ganyan. Besh, ang haba na ng list ng librong gusto ko bilhin.

Pero bilang isang maalamat na tsundoku, mas mahaba ang listahan ng mga librong sinimulan ko pero hindi ko pa rin naitutuloy na basahin. Isama pa natin yung chapters 22-24 na dapat kanina ko pa nasimulang basahin, pero sobrang distracted na ako dahil sa mga pinagbababasa ko sa internet.

Help. Tulong. Tabang. I need a 72-hour day!

Okay. Adios! :p

tsundoku


Featured photo source here

Advertisements

One Reply to “Ramblings of a Tsundoku (Tagalog)”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s