#WalangPreno: Choco na Gatas, O Gatas na Choco?

Ang buhay ay puno ng desisyong kailangan mong pag-isipan, gawin, at panindigan. “Kailangan” ang ginamit kong salita dahil iyon naman talaga ang realidad, ngunit sa totoo lang ay maraming tao ang hindi kayang tanggapin ang realidad na iyan ng buhay. May mga ilan na sa unang parte pa lang ng pagde-desisyon ay umaayaw na. Ayaw nila ng responsibilidad, kaya gagawin nila ang lahat huwag lang sila makagawa ng desisyon. Napapaisip nga ako kung paano nila ginagawa ‘yon — iyong hindi mag-isip. Ang galing nila, ano?

Karamihan naman ay nabibinbin doon sa lugar sa pagitan ng paggawa ng desisyon at pagkilos para maisa-aksyon ang kanilang mga plano. Nagiging eksperto sa pagguhit, ika nga.

Mayroon namang nakapag-desisyon na, ginawa ang akmang aksyon, pero nang nagsulputan na ang consequences ng kanilang mga desisyon, aba, kumaripas na ng pagtakbo palayo sa kinahinatnan ng mga pinaggagawa nila. Eto yung mga tatay na nawalang parang bula matapos mag-iwan ng bakas nila sa sinapupunan ng mga babaeng naniwalang mahal sila. O kaya naman, eto yung mga estudyanteng nag-eehersisyo ang mga mata kapag may pagsusulit sa eskwela, tapos kapag natokhang, todo tanggi. Pwede rin dito yung mga lalaking nagpakita ng motibo sa mga dalaga, nanligaw pa, nagpuyat pa para makapag-chikahan, tapos kapag nahulog na ang loob ng babae, aba biglang nagkaroon ng paghahanap sa sarili nila. Kesyo hindi pa sila handa, or hindi raw sila karapat-dapat sa pag-ibig na walang pag-aalinlangang ibinibigay sa kanila ng mga anak ni Eba. Ano ba, choco na gatas o gatas na choco?

Kung pagmumunihan natin itong tatlong hakbang na ito sa pagdedesisyon sa buhay, madalas sinasabi nating pinakamahirap ang ikalawa. Pinaka-challenging, oo. Pero kung mahirap ang pag-uusapan, yung tipong mamumuo ang malalamig na pawis sa noo mo, para sa akin (para sa akin lang naman ito ha), iyong pangatlo ang pinakamahirap. Iyon kasi ang make-or-break kumbaga. Ang mga ganoong pagkakataon ang nag-iiba ng takbo ng buhay na plinano natin. Kadalasan iyon ang matatabang lupa na nagpapalalim ng pananampalataya natin sa Diyos, ang nagpapa-mature sa atin sa iba’t ibang aspeto ng buhay natin, at ang nagpapatibay ng relasyon natin sa mga taong dati-rati ay hindi natin pinahahalagahan o tine-take for granted.

Iyon lang naman ang gusto kong sabihin tungkol sa Bear Brand, mga kaibigan. Tinamaan kasi ako ngayon (scheduled post ito, though) ng katamaran na kahit oatmeal ay tinatamad akong i-prepare. Anyway, naluto naman si oatmeal at naisip kong magsulat habang iniinom ko ang kakao mula sa malaki kong tasa (ano ba ang Filipino sa mug???).

Bilang pagtatapos: HOY! PANINDIGAN NIYO ANG MGA DESISYON NIYO HA! HAHAHAHA!!!

Olrayt!


Ang #WalangPreno ay kung anumang ambisyosang blog series ni Precious Jem tungkol sa mga mala-kabuteng ideya na naglalaro sa isipan niya at ayaw niyang malimutan kaya isinusulat niya kaagad nang walang preno (with a sprinkle of konting kapal ng face para may konting hint ng pagiging matapang). Ito ang bersyon niya ng free writing, sa madaling salita. Haha! “Write here, write now,” sabi nga ni AA Patawaran. (:

Advertisements

One Reply to “#WalangPreno: Choco na Gatas, O Gatas na Choco?”

  1. Pinaninindigan ko ang mga desisyon ko sa buhay kahit ano pa man ang consequences nun. At gaya nga ng sabi mo, kung ano man ang consequences na yun, ayun ang nagpapatibay sa atin at sa relasyon natin sa Diyos at sa mga mahal natin sa buhay.

    Ikaw ba? Firm ka ba lagi sa mga desisyon mo? 😊

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s